Sabas San Pascual's Diary Entry: April 18, 1930


Notice that He used 'C' instead of 'K' in some words and had fragmented statements. These were corrected for greater readability.  Some structures were retained so as not to mess-up with the thoughts he wanted to express. Question marks were put after uncertain words.

Abril 18, 1930

Mahal na Araw

Biyernes Santo ay may ulan pati ang Huwebes pa at may lamig o ginaw at kumulog no araw ng Miyerkules Santo sa bandang Timog at ang buwang ito ay ng sumikat ay may tuhog(?) na bituin. A kinse ng buwang ito ay nabaril ko ang baboy ni Geneo Ure--at ng hapong iyon ay nabalita na si Jacob at ang Presidente sa Mabitac na si Fernan  Ilano ay nagpanuntok at nasugatan ang Presidente sa mukha. Nauna naman dito ang pakikipagtalo ng Komandante Velasquez at L. Real sa Bario ng Talangka tungkol sa pagkasira ng halaman ni Pepeng ng mga kalabaw at mahigpit kong
magpabayad kung kaya binakod ng barrio. Naglibing ng Biyernes Santo ay inabot ng ulan at ng maglabas ay mga 11:30 ng gabi dahil sa pag-aantabay sa pagsikat ng buwan.

Nang Linggo ay hindi rin nakapagsalubong dahil sa ulan at hindi tuloy natapos o nayari ang sulubangan (?), maulan at halos ay katulad ng bagong magbubukid sa tubigan. Ang pari ay si Padre Gabriel at saka isang bagong dating na Kastila rin, batang-bata.

Comments

Popular Posts